Susunod ang Commission on Elections (Comelec) sa magiging desisyon ng Kongreso sa termino ng mga barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials habang hindi pa tiyak kung matutuloy ang halalan sa Nobyembre, ayon sa poll body nitong Lunes.
Sinabi ni Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na ipatutupad ng poll body ang anumang magiging batas tungkol sa termino at iskedyul ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
“Sabi...