30 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Comelec susunod sa desisyon ng Kongreso sa termino ng barangay, SK officials

Susunod ang Commission on Elections (Comelec) sa magiging desisyon ng Kongreso sa termino ng mga barangay at Sangguniang Kabataan (SK) officials habang hindi pa tiyak kung matutuloy ang halalan sa Nobyembre, ayon sa poll body nitong Lunes.

Sinabi ni Comelec spokesperson Atty. John Rex Laudiangco na ipatutupad ng poll body ang anumang magiging batas tungkol sa termino at iskedyul ng Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).

“Sabi ni Comelec chair dyan, we will abide by the law kung ano ang pasya ng ating Kongreso,” ani Laudiangco.

Umaasa ang Comelec na magkakaroon ng malinaw na desisyon pagsapit ng Setyembre kung matutuloy ang BSKE sa itinakdang Nobyembre 2.

- Advertisement -

Ayon kay Comelec Chairperson George Garcia, nais ng poll body na maiwasang manatiling nakabinbin ang mga kandidato habang naghahanda rin ito para sa unang parliamentary elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao.

Nagsulong si Senate President Francis “Chiz” Escudero ng Senate Bill No. 2387 na magpapalawig sa termino ng barangay at SK officials sa limang taon at magtatakda ng susunod na halalan sa Nobyembre 2028.

Ilang panukala rin sa House of Representatives ang naglalayong ipagpaliban ang BSKE.

Sa pagdinig ng Senado nitong Lunes, nanindigan ang National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) at Parish Pastoral Council for Responsible Voting na dapat ituloy ang halalan sa nakatakdang petsa.

Samantala, sinabi ni Garcia na nasa P8 bilyon na ang nagastos ng Comelec sa paghahanda para sa BSKE.

Tinatayang P3 bilyon dito ang itinuturing na sunk costs, kabilang ang sahod ng mga personnel at indelible ink na maaaring hindi magamit kung maipagpaliban ang halalan. Maaari namang magamit muli sa susunod na halalan ang mga materyales na nagkakahalaga ng P5 bilyon, kabilang ang mga printed ballot.

Sa ilalim ng Republic Act No. 12232 na nilagdaan noong 2025, itinakda sa apat na taon ang termino ng mga halal na barangay at SK officials. Itinakda rin nito ang regular na BSKE tuwing unang Lunes ng Nobyembre kada apat na taon, simula sa 2026.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
Jan Elmer Badilla
Jan Elmer Badillahttps://palawan-news.com/
is a Filipino journalist and desk editor at Palawan News, a leading news organization based in Puerto Princesa City, Palawan, Philippines. He covers a broad range of topics, including local governance, environment, disaster response, and indigenous affairs.
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img