Mahigpit na binabantayan ngayon ng Pamahalaang Bayan ng Aborlan ang pagpapatupad ng mga bagong polisiya na ipinatutupad sa pamilihang bayan tuwing araw ng tabuan...
Sa panayam ng Palawan News kay municipal agriculturist Ma.Theresa Rabe ng Municipal Agriculture Office (MAO) noong Lunes, sinabi nito na nais ng kanilang tanggapan na magkaroon ng isang lugar ang mga nagtitinda ng mga gulay at mga produktong dagat para maiwasan ang pagkakaroon ng middlemen na nagiging dahilan ng mataas na presyo.
Ayon kina councilor Jonair Bayabao at Elson Rayoso ng Sangguniang Bayan, and desisyon ng lokal na pamahalaan na buksan na muli ang Market Day ay bilang tulong sa mga katutubo na nakikinabang dito.