Tumanggap ng halagang P949,000 ang Busuanga Federation of Farmers and Fisherfolks Association (BFFFA) mula sa LGU Busuanga. Ito ay bilang tulong pinansiyal pangkabuhayan para sa kanilang planong trading post at muling pagbubukas ng weekly market day o 'Tabuan' sa nasabing bayan, kung saan target nilang buksan ito ngayong Disyembre 19. | Larawan mula sa Busuanga Information Office

Nakatanggap ng halagang P949,000 ang Busuanga Federation of Farmers and Fisherfolks Association (BFFFA) mula sa lokal na pamahalaan ng bayan kamakailan bilang tulong pinansyal sa kanilang kabuhayan at para sa kanilang planong trading post para sa kanilang “tabuan” o market day.

Ang tulong ay kakailanganin din para sa muling pagbubukas ng lingguhang tabuan sa nasabing bayan na target nilang buksan sa December 19.

Ang BFFFA ay binubuo ng 34 na asosasyon ng mga magsasaka at mangingisda sa Busuanga, Palawan na lubhang naapektuhan ng pandemya.

Ang pagbibigay ng tulong pinansiyal pangkabuhayan mula sa LGU-Busuanga sa ilalim ng kanilang COVID-19 Local Recovery Plan ay pinangunahan mismo ni Mayor Elizabeth Cervantes katuwang ang ang ilang miyembro ng Sangguniang Bayan at ang Municipal Agriculture Officer na si Thess Rabe. (PIA-MIMAROPA)

 

 

Previous article‘Tarabidan sa Dang Maria’ returns for last run this year
Next articleResidents evacuated in two Palawan towns as Vicky makes way to WPS