Ang menor de edad na biktima ay residente ng Libis Road, Brgy. San Pedro. Naisugod ito sa Coop Hospital ng mga emergency responder at pulis, ngunit idineklara itong dead on arrival (DOA) bandang 12:06 a.m. ng January 3.
Sa spot report ng Quezon Municipal Police Station (MPS), kinilala ang inaresto na si Cirilo Arsenio Cutara, tubong Bohol, at mangingisda na naninirahan na sa Sitio Bliss, Barangay Alfonso XIII.