Oct 28, 2020

Lalaki na wanted sa kasong robbery, arestado sa Quezon

Sa spot report ng Quezon Municipal Police Station (MPS), kinilala ang inaresto na si Cirilo Arsenio Cutara, tubong Bohol, at mangingisda na naninirahan na sa Sitio Bliss, Barangay Alfonso XIII.

Photo courtesy of Quezon MPS.

QUEZON, Palawan — Isang 32 anyos na lalaki na wanted sa kasong robbery ang naaresto noong Miyerkules ng hapon sa bayan na ito.

Sa spot report ng Quezon Municipal Police Station (MPS), kinilala ang inaresto na si Cirilo Arsenio Cutara, tubong Bohol, at mangingisda na naninirahan na sa Sitio Bliss, Barangay Alfonso XIII.

Inaresto siya dahil sa kasong robbery sa pamamagitan ng warrant na inilabas ni Judge Ramon Chito Mendoza ng RTC Branch 165 sa Brooke’s Point. Mayroong piyansa na P100,000 na pinayagan ng korte para sa kanyang pansamantalang paglaya.

Nadakip si Cutara dahil sa isinagawang operasyon ng pulisya sa Quezon sa pangunguna ni P/Maj. Lodell Lota.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry