Hindi kabilang ang negosyanteng si Ramon Jimenez sa mga suspek na pinaparatangan na nambugbog sa isang foreman sa Purok Maranat II, Barangay Bacungan noong gabi ng November 21.

Hindi rin kabilang sa mga suspek sina Vicky Murcia at si alyas Enciong Villanueva.

Ito ang paglilinaw na isinagawa ng deputy chief at tagapagsalita ng City Police Station (CPS) 2 na si P/Lt. Maria Carmen Iquin na umaming siya ay nagkamali lang sa mga nauna nitong pahayag sa media.

“Nalito na po ako sa dami ng kaso… may ano din another incident na ganoon na nangyari at yon ang naaala ko. Sa dami ng nare-report kasi na insidente. Actually, humihingi din ako ng pasensya sa inyo (Palawan News) dahil yong victim naging suspek na,” sabi ni Iquin.

“Hindi po suspek sila Ramon Jimenez, Vicky Murcia, at Enciong Villanueva. Ang mga suspek ay unidentified,” dagdag pahayag ni Iquin na nagsabing nalito lamang sa pagpapahayag ng detalye.

- Advertisement -

Ang paglilinaw ay ginawa ni Iquin matapos umani ng reaksyon ang kanyang naging unang pahayag sa Palawan News hinggil sa clubbing incident kung saan naging biktima ang construction foreman na si Felix dela Torre Jimenez at napangalanan bilang suspek sina Ramon Jimenez, Murcia, at Villanueva.

Sabi ni Iquin, base sa kanilang spot report noong gabi ng November 19, habang kausap ng biktimang si Felix si Ramon Jimenez (hindi niya kaano-ano) at isa pang hindi pinangalanan ay biglang dumating si Murcia at si Villanueva kasama ang 12 katao.

Sinisingil ni Murcia ang biktimang si Felix ng utang na P900 ng mga laborer. Habang nasa akto na si Felix na ibigay ang pera, may biglang sumuntok dito na nag-resulta sa pambuno. Mayroon ding pumukpok dito bigla ng bato.

Magpahanggang ngayon ay nag-iimbestiga pa sila kung sino o ano ang mga pagkakakilanlan ng mga suspek na sumuntok at pumukpok sa biktima. Matapos ang pangyayari ay tumakas diumano ang mga suspek sa hindi matukoy na direksyon.

“Ang nangyari dyan, itong si Mr. Felix Jimenez ay kausap niya si Mr. Ramon Jimenez, Vicky Murcia at si alyas Enciong Villanueva. Yong mga laborer may utang kay Vicky Murcia. Dahil hindi nakabayad itong mga laborer kay Murcia, ang sinisingil niya ngayon ay itong pinaka foreman,” sabi ni Iquin.

“Habang nagbabayad na si foreman (Felix) ng mga utang ng mga tauhan niya, may isang biglang sumuntok sa kanya na kasamahan noong Murcia ng hindi niya malaman sa kung anong kadahilanan,” pagtatama pa nito.

Nilinaw din ni Iquin na ang biktima ay walang utang sa mga foreman na tauhan nito, kundi ang mga tauhan nito ang may utang kay Murcia.

Matatandaan na pinangalanan ni Iquin sina Ramon Jimenez, Murcia, at Villanueva bilang mga suspek sa insidente na naganap noong November 21 na inilabas noong Huwebes ng Palawan News.

 

 

 

Previous articlePCSD bats for Balabac to adopt 10-year crocodile conservation strategy
Next articleNew COVID-19 patient in Cagayancillo violated quarantine protocols
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.