Karaniwan, sa halip na “sandali lang” ang nasasambit ay “wait lang”. “Nakalunch ka na?” kesa “Nananghalian ka na?”Kapag higit sa isa o dalawa ang tatanungin - “Guys, naglunch na kayo?” Bakit “guys” na ang nakasanayan? Iilan na lamang ba sa atin ang nakarinig ng “banggerahan”? Kapag nag-eEnglish ang ang isang bata kadalasan na pinapansin siya bilang smart at cute.
Ang wika ay biyaya. Gamit ito sa ugnayan. Sangkap sa pagbubuklod. Maraming kapamaraanan ang wika - sinasambit, sinusulat, kinakanta, ipinipinta, at kung anu-ano pa....