Sa Facebook live ng hepe ng ACTF na si Richard Ligad noong Huwebes (Enero 21), sinabi niya na dapat lumitaw si Tamayo para linawin at itama ang kanyang post na siya ay ginulpi dahil hindi umano ito ang katotohanan ayon sa kuwento ng mga nakakita sa pangyayari noong gabi ng Miyerkules.