SAN VICENTE, Palawan — Water supply source ang sanhi ng mahina hanggang walang daloy na tubig sa Barangay Port Barton sa bayan na ito, ayon sa paliwanag ng Municipal Economic and Enterprise Development Office (MEEDO).
“Water source ang problem — ang Port Barton river halos zero na ang supply. Yong Buhanginan river siya na lang ang nagsu-supply sa Port Barton — 1-foot na lang sa wtp at 1-foot sa reservoir. Lumakas na ang supply nag-bypass ako ng ilog at umulan na rin pag-alis ko kanina sa Port Barton bukas medyo maganda na ang supply ng tubig,” sabi ni Andante.
Dahil sa napakahabang tagtuyot, sinabi niya na humina at natuyuan ang mga ilog.
“Hirap maka-recover ang ating mga ilog ngayon dahil saglit lang ang ulan at mas mahaba ang tag-init,” dagdag niya.
Siniguro naman ni Andante na kaya pa suplayan ng tubig ang Port Barton. Humina lang ang pressure ng tubig ngayong summer kaya ang payo niya sa mga consume, lalo ang nasa may mataas na area na mag-imbak agad ng tubig kong may daloy nito.
“Kung summer medyo mahirap ang tubig pero kung sa supply kaya naman natin dahil hindi pa tayo nag-zoning, mahina lang talaga at walang pressure lalo na yong sa matataas na area mag ipon lang agad ng tubig pag may supply para may reserve agad kayo,” sabi ni Andante.
Samantala, may leakage sa mga linya ng tubo sa bahaging Darapiton noong July 17 na agad namang inaksyunan at inayos ng kanilang opisina.
“Natanggap namin yong report noong July 17, alas singko ng hapon agad naming pinuntahan ang area at inayos ito at dakong alas sais ng gabi sa araw ding iyon naibalik agad ang daloy ng tubig,” dagdag niya.