Ang Tabon Scrubfowl o Philippine Megadope ang idineklara ng Pamahalaang Lokal ng Quezon, Palawan bilang kanilang Municipal Flagship Species sa pamamagitan ng Ordinance No. 2019-184 dahil sa unti-unti nang nababawasan ang lahi nito at ayon sa International Union for the Conservation of Nature and Natural Resources, ang nasabing ibon ay naitala bilang Least Concern (LC) o mga uri ng hayop na hindi nabibigyan ng pansin.