Umaga palang ay nagsimula na ang drill sa mga bayan ng Looc, San Andres, Banton, Corcuera, Concepcion, Alcantara, at San Agustin. Eksaktong alas dos impunto naman ng hapon nang tumunog ang serena ng Bureau of Fire Protection - Odiongan, hudyat ng pagsisimula ng earthquake drill sa Poctoy Elementary School sa Barangay Poctoy, Odiongan, Romblon.