Ayon sa executive assistant V ni Governor Jose Alvarez na si Said Sha, ang nasabing patubig ay isa sa mga proyektong pinondohan ng pamahalaang panlalawigan na nagkakahalaga ng P250 million sa ilalim ng i-Support Water Infrastructure Office. Ito ay matatagpuan sa bundok ng Marawis sa Sitio Karwang, Barangay Poblacion 6 at nakatakdang magbigay ng supply ng tubig sa buong mainland ng Balabac.