Nakatakdang pasinayaan ang isang water system project ng pamahalaang panlalawigan ngayong ikalawang linggo ng Disyembre sa bayan ng Balabac.
Ayon sa executive assistant V ni Governor Jose Alvarez na si Said Sha, ang nasabing patubig ay isa sa mga proyektong pinondohan ng pamahalaang panlalawigan na nagkakahalaga ng P250 million sa ilalim ng i-Support Water InfrastructureĀ Office. Ito ay matatagpuan sa bundok ng Marawis sa Sitio Karwang, Barangay Poblacion 6 at nakatakdang magbigay ng supply ng tubig sa buong mainland ng Balabac.
“Alam po natin na ang hangarin ng administrasyon ni Governor (Alvarez)Ā ay clean water at isa po ang Balabac sa naging benepisaryo ng nasabing proyektong patubig. Hindi na mahihirapan ang mga kababayan natin sa Balabac,” pahayag ni Sha nitongĀ Martes sa Palawan News.

Ayon paĀ kay Sha,Ā aasahan na lahat ng mga kabahayan sa Balabac ay makakabitan ng linyaĀ ng tubig para sa mga residential consumer na pangangasiwaan ng pamahalaang lokal.
Kasama din sa nasabing pondong inilagak ng provincial government ang una na ring naitayo noong buwan ng Marso ang Sebaring deepwell na nag-o-operate na.
Samantala, noong buwan naman ng Oktobre sinimulan na rin ang Ramos Deepwell at Mangsee Reverse Osmosis na aasahang matatapos din bago ang taong 2021.
“May mga upcoming din po tayo na proyekto na kasama sa 250 million pesos na water project.Ā Ito pong mga island barangay pa natin ang Pandanan Reverse Osmosis,Ā Salang Water System at Bancalaan Water System,” ani Sha.
“Pagkatapos po ng lahat ng proyekto na ito,Ā hindi na mahihirapan ang ating mga kababayan pati sa mga isla,Ā makakainum po sila ng malinis at ligtas na tubig,”Ā dagdag ni Sha.