SAN AGUSTIN, Romblon -- Idinaos noong Lunes ang 2nd Buntis Congress sa bayan ng San Agustin sa pangunguna ng Rural Health Unit (RHU) at pakikipagtulungan ng LGU San Agustin taglay ang temang: “Healthy si Baby Kung Healthy si Mommy.”
SAN FERNANDO, ROMBLON -- Ang mga kawani ng Romblon Police Provincial Office ay bumisita sa mga katutubong nakatira sa Sitio Layag, Brgy. Taclobo bayan ng San Fernando, Romblon kamakailan upang maghatid ng tulong sa mga Indigenous People.
Bitbit ng mga kapulisan ang mga damit at pagkain sa kanilang pag-akyat sa kabundukan ng Sibuyan upang pasayahin ang mga katutubong Mangyan Taga-Bukid na naninirahan dito.
ROMBLON, Romblon -- Sumailalim sa pagsasanay ng Cardio Pulmonary Resuscitation o CPR ang mga estudyante ng Romblon National High School kamakailan alinsunod sa Republic Act No. 10871 o Basic Life Support Training in Schools Act.