Sa panayam ng Palawan News noong Biyernes kay P/Maj. Bronson Carampto, hepe ng Quezon municipal police station, nakipag-inuman sa mga kaibigan nito si Hermogenes sa Sityo Landing sa Isugod at nang malasing ay nagkapikunan sila na nauwi sa tangka niyang pagpapaputok ng kanyang baril na 45 pistol.