Isang mangingisda na suspek sa kasong statutory rape ang naaresto ng pulisya sa Purok Mangingisda, Brgy. Sta. Teresita sa munisipyo ng Dumaran noong Linggo, ika-21 ng Hulyo.

Ayon kay P/Capt. Ric Ramos, tagapagsalita ng Palawan Provincial Police Office (PPO), ang suspek ay si Salvador Cala-Cala Faderan, 34, at residente rin ng nasabing lugar.

“Itong statutory rape case warrant kasi ‘yan. ‘Yong nangyaring ganyan ay hindi nakalagay sa warrant hahanapin pa ang detalye sa nangyari. Ang nakalagay lang dyan ay ‘yong naaresto at ‘yong kanyang kaso. It takes time sa paghahanap ng nangyari dahil walang date kung kelan na-commit. Pero itong mga warrant of arrest na ito ay ipinapatupad ng PNP,” paliwanag ni Ramos.

Ang pagdakip sa suspek ay base sa warrant of arrest na ibinaba ni Judge Emmanuel Q. Artazo, presiding judge ng Family Court Branch 14 noong June 24, 2019.

Sa ngayon ang nasabing suspek ay nasa kustodiya na ng Dumaran Municipal Police Station (MPS) at ihaharap sa korte para sa pagdinig ng kaso.

Previous articleEnergy dept creates task force to fix Palawan power problems
Next articleLumis re-appointed as IP mandatory representative
Jayra Joyce Cañete Taboada handles the law and order and the science and education beats. She is also a licensed professional teacher.