- Advertisement by Google -

BROOKE’S POINT, Palawan — Matagumpay na naisagawa ng lokal na pamahalaan ng bayan ng Brooke’s Point ang taunang selebrasyon ng “Arbor Day” noong September 18, 2020.

Mga 500 puno ng almasiga ang naitanim ng mga mamayan na pinangunahan ng mayor ng bayan na si Atty. Mary Jean Feliciano sa Sitio New Panay, Barangay Maasin sa mismong mining site.

Dinaluhan ng ilang kawani ng lokal na pamahalaan, pribadong sektor, local official at MBLT-4 Brooke’s Point.

Bago ang pagtatanim ay nagkaroon ng maiksing programa ang grupo na kung saan ay nagbigay ng pahayag ang alkalde na sumentro sa paghihikayat nito sa mga New People’s Army o NPA na magbalik-loob na sa gobyerno.

“Patuloy nating hinihikayat ang mga NPA na sumuko na, magbalik loob sa pamahalaan upang magkaroon ng maayos na buhay, payapa at masaya kasama ng inyong pamilya” ayon kay mayor Mary Jean Feliciano.

- Advertisement -

Sinabi rin niya na handang tumulong ang pamahalaan sa sino mang magbabalik loob sa gobyerno.

“Ang pamahalaan ay handang tumulong sa inyo kung sakaling gusto niyong magbalik loob sa gobyerno” pagsasaad ni Feliciano.

 

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleEDITORIAL: State of transparency
Next articleGrupo ng Marines, nagpasalamat sa mga taga-Brooke’s Point
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.