26 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Puerto Princesa cathedral unveils official seal featuring Marian, patron saint symbols

The Immaculate Conception Cathedral Parish in Puerto Princesa City...

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Sunod-sunod na insidente ng grassfire, ikinabahala ng BFP-Roxas

Nagpahayag ng pagkaalarma ang pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa bayan ng Roxas dahil sa sunod-sunod na naganap na grass at forest fire makalipas na masalanta ng bagyo.

Ayon sa BFP-Roxas, naitala ang pinakahuling insidente ng forest fire sa Sitio Man-ag, Barangay 4, dakong 7:20 ng gabi nitong Biyernes, Enero 21.

“Ang sunog, doon banda sa may MRF (material recovery facility) sa landfill. Ang assessment namin doon na rekindle, kasi noong nakaraang linggo pa may mga sunog na din na nganap diyan,” pahayag ni SF02 Michael Ebali.

- Advertisement -
(Photo courtesy of Vic Lagera, Roxas Municipal Administrator)

Ngayong Sabado ng umaga, Enero 22, ay binalikan ng BFP ang lugar ng sunog at bagama’t hindi nila nakita ng malapitan ay wala na silang na-obserbahan na usok. Subalit paglilinaw ni Ebali, hindi ito nangangahulugan na fire out na ang nasabing sunog.

“Tuloy-tuloy pa rin ang monitoring namin and if ever lumakas na naman siya mamaya, maaaring akyatin na namin kasama ang fire brigade,” pahayag ni Ebali.

Disyembre 31 nang unang makapagtala ng forest fire ang BFP-Roxas sa Sitio Paduan, Brgy. Tumarbong. Nasundan ito noong Enero 5 kung saan, nasunog ang cell site ng Smart Telecommnications sa Barangay III (Poblacion), samantalang nagkaroon din ng insidente sa Sitio Areasen at Sitio Mag-ag sa Brgy. IV.

(Photo courtesy of Vic Lagera, Roxas Municipal Administrator)

Enero 16 naman ng magkaroon din ng sunog sa Sitio Catincatin sa Brgy. Malcampo at noong Enero 19 naman sa Sitio Guita, Brgy. IV.

Dahil dito ay nagbigay ng abiso ang pamunuan ng BFP sa mga residente na kung maaari ay huwag magsunog ng basura at kung hindi naman maiwasan, ay bantayang maigi ang mga pagsisisiga.

Dagdag pa ng BFP-Roxas, nagpatawag na sila ng mga meeting, kasama ang mga kapitan ng barangay DENR, MENRO, MDRRMO, at iba pang mga concerned agency kaugnay sa sunog.

“Napagkasunduan namin na ipagbabawal muna ng mga barangay ang pagsusunog at paaalalahanan ang mga residente tungkol dito. Hindi rin kasi natin mapigil ang ating mga kababayan na magsunog dahil alam naman nating dinaanan tayo ng Odette kaya naglilinis sila ng kanilang kapaligiran,” paliwanag ni Ebali.

Ngayong araw ay nakatakdang magpulong muli ang mga awtoridad sa Brgy. IV, kung saan marami ang naitalang sunog matapos ang bagyo, upang mapaghandaan ang posibilidad na muling magkaroon ng sunog.

“Ang Barangay 4 kasi, may part siya na maraming residente pero may part din na mountainous. Diyan ang Sitio Man-ag at Sitio Bita kung saan mayroong naganap na mga grass at forest fire,” ani Ebali.

- Advertisement -

Latest

UN report warns global warming may reach 2.8°C as emissions cuts fall short

Global warming could reach 2.8 degrees Celsius this century...

Puerto Princesa cathedral unveils official seal featuring Marian, patron saint symbols

The Immaculate Conception Cathedral Parish in Puerto Princesa City...

New classroom chairs distributed to schools in Coron, Busuanga

Students from two public elementary schools in Coron and...

Bagyong Rosal papalabas ng PAR; bagong LPA binabantayan sa silangan ng Mindanao

Patuloy na binabantayan ng PAGASA ang Bagyong Rosal habang...
spot_img
- Advertisement -
Arphil Ballarta
Arphil Ballarta
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.
- Advertisement -

UN report warns global warming may reach 2.8°C as emissions cuts fall short

Global warming could reach 2.8 degrees Celsius this century under current policies, while existing national climate commitments remain insufficient to keep temperature rise close...

Puerto Princesa cathedral unveils official seal featuring Marian, patron saint symbols

The Immaculate Conception Cathedral Parish in Puerto Princesa City has unveiled its new official seal and coat of arms, incorporating symbols of the Blessed...

New classroom chairs distributed to schools in Coron, Busuanga

Students from two public elementary schools in Coron and Busuanga received new classroom chairs on October 21 in a distribution led by Discovery Coron. The...
spot_imgspot_img