BROOKE’S POINT, Palawan — Opisyal nang tinanggal noong Martes ang “window hour” na 8 a.m. hanggang 5 p.m. sa pamamalengke, pamimili, at pagbubukas ng palengke, supermarkets, grocery stores, at pharmacies sa bayan na ito.

Ang pagtatanggal nito ay alinsunod sa advisory noong April 18 ng Department of the Interior and Local Government (DILG) tungkol sa pagtatanggal ng window hour sa oras ng operasyon ng mga establisyemento na naghahatid ng mga pangunahing pangangailangan ng mga residente.

Ayon kay DILG officer Coralyn Atienza, nagdudulot kasi ng panic buying sa mga tao ang pagkakaroon ng window hour kaya nababalewala ang physical distancing.

“Nagdudulot ng pagpa-panic buying sa tao ang maiksing oras ng pamimili at nababalewala ang social distancing kaya ibabalik sa regular time ng pagbubukas ng kanilang establishments para magkakaroon ng mas maraming oras ang tao sa pamimili,” sabi ni Atienza.

Bagama’t ganito man, mahigpit pa ring ipatutupad ang “No Home Quarantine Pass, No Shopping” scheme na naglilimita sa isang miyembro ng pamilya upang makalabas at makapamili sa itinakdang araw.

Patuloy rin ang mga sumusunod na schedule ng araw ng pamamalangke na nauna ng ipinatupad kamakailan:

LUNES AT HUWEBES
Brgy. Calasaguen
Brgy. Maasin
Brgy. Mambalot
Brgy. Ipilan
Brgy. Aribungos
Brgy. Barongbarong

MARTES AT BIYERNES
Brgy. Pangobilian
Brgy. Imulnod
Brgy. Mainit
Brgy. Poblacion District 1
Brgy.Poblacion District 2
Brgy. Tubtub

MIYERKULES AT SABADO
Brgy. Amas
Brgy. Oring-Oring
Brgy. Saraza
Brgy. Samariñana
Brgy. Salogon
Brgy. Malis

Previous articlePalawan prov’l board member, nag-donate ng mid-year bonus sa SPPH
Next articleChinese warship was “ready to fire in under a second” – Western Command
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.