Isang lalaki na wanted sa kasong murder ang inaresto ng mga operatiba ng Balabac Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Poblacion 4 ng nasabing bayan, alas singko ng hapon araw ng Martes, Abril 6.

Ang suspek ay kinilalang si Espiridion Buahe Rafales, 50, residente ng nabanggit na lugar.

Si Rafales ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Ambrosio B. De Luna ng Palawan Regional Trial Court, Branch 51 na may petsang December 12, 2014, na walang nakalaang piyansa.

Ayon sa source ng Palawan News,  matagal nang pinaghahanap  ng Balabac MPS si Rafales subalit hindi ito matagpuan dahil nagtago ito sa Mapun, Tawi-Tawi.

“Kasama yan dati sa top 10 wanted list ng PNP, pero natanggal siya sa list dahil matagal na hindi nakita. Lumipat sa Mapun, Tawi-Tawi,” pahayag ng source ng Palawan News.

- Advertisement -

“Isang araw pa lang siyang nakauwi dito at may nag-timbre kaya agad naming pinuntahan at hinuli,” dagdag nito.

Previous articleMga katutubo sa Brgy. Kemdeng, nakatanggap ng serbisyo mula sa 401st RMFB
Next articleCoron-Culion bridge project draws opposition through online petition
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.