Arestado ang isang van driver sa San Vicente sa isinagawang buy-bust operation ng San Vicente Municipal Police Station (MPS) bandang 10:28 p.m. noong June 26.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Jay,” 44, residente ng Barangay Poblacion, San Vicente, Palawan, at itinuturing na high value indvidual (HVI).
Isang ahente ng pulisya ang nagpanggap na buyer kung saan nakabili ito sa suspek ng isang plastic sachet na naglalaman ng pinaghahanalaang shabu sa halagang ₱5,848.
Nakatakdang umanong dalhin ang suspek at ang mga nakumpiskang umano’y droga sa Palawan Provincial Forensic Unit (PALPFU) para sa laboratory examination.
Nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Acts of 2002 ang suspek.



