27.2 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Tupada sa Brooke’s Point ni-raid; magsasaka nahuli, isa nakatakas

Ni-raid ng mga pulis ang isang tupada sa Enrique Road, Barangay Samariñana, sa Brooke’s Point nitong Linggo, August 16, matapos makatanggap ng impormasyon mula sa isang confidential informant.

Nahuli sa operasyon ang isang 56 anyos na magsasaka mula Barangay Salogon. Nakatakas naman si alyas “Rony,” isa ring magsasaka na taga-Samariñana.

“Illegal cockfighting will not be tolerated, as it undermines public order and the rule of law,” ayon kay Palawan Police Provincial Office (PalPPO) Director Col. Joel Casupanan.

Hinikayat din niya ang mga residente na ipagpatuloy ang pagbibigay ng impormasyon sa pulisya tungkol sa mga iligal na aktibidad.

- Advertisement -

Pagdating sa lugar, nakumpirma umano ng mga tauhan ng Brooke’s Point Municipal Police Station na may nagaganap na iligal na sabong.

Nakuha ng mga pulis ang tatlong buhay na manok panabong, dalawang basket, isang tari na nasa lalagyan, electrical tape, tali ng tari, dalawang panali ng manok, at ₱300 na perang pantaya.

Dinala sa Brooke’s Point police station ang nahuling suspek at mga nakumpiskang gamit para sa dokumentasyon at kaukulang disposisyon. Inaalam pa ng mga pulis ang kinaroroonan ni Rony.

Mahaharap ang nahuling magsasaka sa reklamong paglabag sa Presidential Decree No. 1602, na nagpapataw ng parusa sa sinumang direktang, o hindi direktang nakikibahagi sa iligal, o hindi awtorisadong sabong at iba pang uri ng sugal.

Sa ilalim ng batas, maaaring managot hindi lamang ang tumataya kundi pati ang nagpapatakbo, o nagpapanatili ng lugar ng sugal.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
Cris Dela Cruz
Cris Dela Cruz
is a reporter for Palawan News covering police, crime, local government, politics, and community affairs across Palawan. He reports on breaking news, public safety issues, governance, and developments that affect local communities, with a focus on timely, accurate, and fact-based journalism.
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img