Makikita ang tumaas na level ng tubig sa ilog na umapaw sa tulay sa Barangay Maasin (Photo courtesy of Khezer Aguirre)

BROOKE’S POINT – Na-stranded ang ilang biyahero sa kalsada matapos na tumaas ang level ng tubig sa ilog at umapaw sa tulay sa Barangay Maasin sa bayang ito ngayong araw ng Biyernes, Agosto 27.

Ayon kay Mark “Noynoy” Datuin, residente ng baranggay Barong-barong, pauwi na sana siya subalit pagdating sa nasabing lugar ay hindi na sila makatawid dahil mataas na ang level ng tubig at umapaw na sa tulay.

Dagdag niya, wala naman umanong malakas na pag-ulan sa bayan subalit nakakapangilabot na biglang tumaas ang tubig at lumakas ang daloy ng tubig. Dagdag niya, maaring madisgrasya ang sinumang magpupumilit na dumaan dahil sa lakas ng daloy ng tubig.

“Nakakatakot ang lakas ng tubig kahit walang malakas na ulan dito sa bayan. Marami na kaming nakaabang dito kung paano  makatawid,” pahayag ni Datuin.

“Kahapon lang naman umulan, pero halos sa bundok lang naman,” aniya.

Previous articleGov’t plans to begin pediatric inoculation by 4Q
Next articleEnvironment authorities conduct turtle nesting site monitoring in El Nido
is the correspondent of Palawan News in Brooke's Point, Palawan. She covers politics, health, government policies, tourism, and sports. Her interests are exploring different places, singing, gardening, reading bible and eating.