Natunton ng mga awtoridad sa Sitio Tagdalungon, Barangay Rio Tuba, Bataraza ang isang 21 anyos na tricycle driver na nahaharap sa kasong attempted murder noong July 30.
Inaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na may inirekomendang piyansang ₱120,000.
Pinangunahan ng Bataraza Municipal Police Station (MPS) ang manhunt operation katuwang ang Provincial Intelligence Unit ng Palawan Police Provincial Office, 1st Palawan Provincial Mobile Force Company at 401st Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion.
Nasa kustodiya na ng Bataraza MPS ang suspek habang inihahanda ang mga dokumento para sa pagharap niya sa korte.



