- Advertisement by Google -

Wala ng buhay nang isugod sa Ospital ng Palawan ang isang tricycle driver matapos aksidenteng bumangga ang minamaneho nitong tricycle sa likurang bahagi ng isang truck na nakaparada sa South National Highway sa Barangay Sicsican, bandang alas 5 ng umaga, ngayong araw, August 4.

Kinilala ang biktima na si Silvino Mengarene Macaraeg, 69 taong gulang.

Base sa report ng City Police Station 2, pumarada ang truck sa lugar bandang alas 3 ng madaling araw matapos maubusan ng krudo. Naglagay naman umano ng mga pinutol na sanga bilang warning device na posibleng hindi napansin ng driver ng traysikel.

About Post Author

- Advertisement by Google -
Previous articleSupply mission to BRP Sierra Madre outpost on Ayungin Shoal goes unchallenged this time from Chinese Coast Guard
Next article2 tulak ng ilegal na droga, timbog sa magkahiwalay na operasyon ng mga awtoridad
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.