Itinuturing ngayon ng mga awtoridad si Barangay Tarusan tribal chieftain Hadting Anggan Ilajan bilang isang person of interest kaugnay sa pagpaslang sa kapwa nito tribal chieftain na si Poldo Kirao.

Si Kirao na isang chieftain ng Pala’wan ay namatay matapos na pagbabarilin ng hindi nakilalang suspek sa Sitio Bicol Village, Brgy. Sandoval, sa bayan ng Bataraza, dakong 8:20 ng umaga nitong araw ng Miyerkules.

Bago mangyari ang insidente ay sinundo pa ni Ilajan si Kirao upang sabay na mag-report sa kanilang duty sa Indigenous Peoples Development Office (IPDO) ng Rio Tuba Nickel Mining Corporation (RTNMC).

“Mag-duty lang sana sila sa IPDO sa RTN, kasi dalawa sila na naka toka na mag-duty kahapon. Hindi siya marunong mag motor kaya nagpadaan nalang siya kay Chieftain Ilajan,“ pahayag ni P/Maj. Dhennies Acosta, hepe ng Bataraza Municipal Police Station (MPS).

- Advertisement -

Ayon sa unang report ng MPS, posibleng nagtago ang supek sa pamamaril sa masukal na bahagi ng national highway, at mabilis na tumakas.

Sinabi rin ni Ilajan na nag-overtake ang hindi matukoy na sinasakyang motor ng supek sa kanila, bago ang pamamaril.

Ayon naman kay Palawan Police Provincial Office director, P/Col. Adonis Guzman, hindi consistent ang mga naging sagot ni Ilajan sa isinagawang interogasyon kaya dinala ito sa Puerto Princesa para isailalim sa paraffin test at lumabas na positibo itong nagpaputok ng baril.

“Sa latest update, positive sa paraffin test ang kasama ng victim (Ilajan), mag-gather pa kami ng other evidence para mai-file natin ang kaso. Wala siyang sinabi, mukhang nagsisinungaling kaya pina-paraffin natin,” pahayag ni Guzman.

Previous articleAway ng mag live-in partner na senior citizens, nauwi sa tagaan
Next articlePCG cites growing number of Pinoy fishermen in West Philippine Sea
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.