Larawan mula sa Narra District Jail (NDJ)

Isang livelihood trade fair ang isinagawa ng Narra District Jail (NDJ) sa Barangay Poblacion na may kaugnayan sa pakikilahok ng kanilang ahensya ngayong buwan ng June sa Community Relations Service Month (CRSM), June 22.

Ayon kay warden SJO1 Marlon Lolong, laman ng kanilang trade fair ang iba-ibang produkto na orihinal na gawa ng kanilang mga persons deprived of liberty (PDLs) katulad ng mga face mask holder, coco pole para sa mga naghahalaman; at mga pananim katulad ng mga halaman at gulay.

“Nakapagbenta ang ating mga personnel ng marami, at malaking bagay ito sa income generating ng ating mga PDLs, makakadagdag ito sa mga ibibigay nila sa kanilang mga pamilya na dadalaw sa kanila, mapupunta sa kanila ang naibenta,” sabi ni SJO1 Lolong.

Larawan mula sa Narra District Jail (NDJ)

Aniya pa, hindi lamang maituturing na detenido sa loob ng kulungan ang mga PDLs kung kaya’t kasama sa kanilang PNP mission ang bigyan ng puwedeng mapagkakakitaan ang mga ito kahit sila ay nasa loob ng detention facility.

“Tayo naman sa NDJ ay laging umaalalay sa ating mga PDLs kasama ang health security nila, health management nila lalo na po na nasa gitna tayo ng pandemya,” dagdag niya.

Samantala, nananatiling nasa magandang kalusugan, ayon kay Lolong, ang kanilang kasalukuyang anim na lalaking PDLs habang patuloy silang pinangangalagaan ng ahensya katulad ng buwanang check-up at pagbibigay ng mga bitamina.

Patuloy din aniya ang magandang pakikipagugnayan sa kanila ng Pamahalaang lokal ng Narra para sa pagsuporta ng kanilang mga ibat-ibang programa at ng mismong ahensya ng Beaureu of Jail Management and Penology (BJMP)

About Post Author

Previous articlePalawan records six active COVID-19 cases in three municipalities
Next articleTatlong police stations, idadagdag ng PNP sa Puerto Princesa
is the news correspondent for Sofronio EspaƱola and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.