Arestado ang isang itinuturing na top 1 provincial most wanted person bandang 10:30 a.m. nitong Sabado, June 6, sa Barangay Rio Tuba, Bataraza, Palawan.
Ayon sa Palawan Police Provincial Office (PPO), nahaharap sa kasong qualified rape of a minor ang 59-anyos na lalaki, may asawa, at residente ng nasabing lugar.
Sa bisa ng warrant of arrest, na isinilbi ng mga tauhan ng Brooke’s Point Municipal Police Station at 2nd Special Operations Unit (SOU) ng Maritime Group Balabac, matagumpay na naaresto ang suspek.
Walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang naaresto.
Sinabi ng Palawan PPO na patuloy ang kanilang kampanya laban sa mga wanted person, lalo na ang mga akusado sa heinous crimes, upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan sa lalawigan. (with Ruil Alabi)



