Dahil sa tong-its, anim na residente ng Barangay Pulot Center sa Sofronio Española ang inaresto ng mga awtoridad noong Linggo ng hapon, August 16.
Nakatanggap umano ng reklamo ang pulisya tungkol sa iligal na pagsusugal sa lugar, kaya agad itong nagsagawa ng operasyon.
Naabutan ng mga awtoridad ang anim na aktwal na naglalaro ng tong-its. Nakuha sa kanila ang ₱410 na perang pusta at dalawang set ng baraha.
Posibleng maharap ang anim sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602, na nagpapataw ng parusa sa ilegal na pagsusugal.
- Advertisement -



