Tatlong indibidwal na may kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o Anti-illegal Gambling ang inaresto ng mga tauhan ng Aborlan Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Culandanum, kahapon, Agosto 4.
 
Kinilala ang mga suspek na sina Ernie Mahilum Gamayon, 46; Jonel Dorimon San Juan, 36; at Diomedes Ople Legaspo na unang nahuli nang pasukin ng mga pulis ang isang sabungan sa nabanggit na lugar noong nakalipas na mga buwan.
 
Ang tatlo ay inaresto sa bisa ng warrant inilabas ni Judge Norferio Nono, ng Municipal Circuit Trial Court ng Aborlan na may petsang July 26, 2021, sa paglabag sa PD no. 1602.
 
Agad namang naglagak ng piyansang nagkakahalaga ng P30,000 ang bawat isa para sa kanilang pansamantalang kalayaan.

- Advertisement -
Previous articleSSS reports increased educational loans this year
Next articleLalaki sugatan matapos barilin sa Narra
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.