Tatlong personnel ng Philippine National Police (PNP) na naka-assign sa City Mobile Force Company (CMFC) sa Barangay Luzviminda, Puerto Princesa City, ang nahaharap sa reklamong paglabag sa Republic Act 11053 o Anti-Hazing Law matapos umano nilang bugbugin ang isang kapwa pulis.
Ang bagay na ito ay kinumpirma ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), kasabay ng paliwanag na kasalukuyan pa rin silang nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay dito.
“Yes, kino-confirm namin na may alegasyon ng ganitong pangyayari noong August 30 ng madaling araw, kung saan parehong mga pulis ang involve,” ayon kay Police Captain Bryan Rayoso, tagapagsalita ng PPCPO.
Paliwanag ni Rayoso, ang tatlong pulis na sangkot sa insidente ay nasa ilalim na ng restrictive custody ng CMFC habang patuloy ang imbestigasyon.
Inilipat naman ang biktimang si Patrolman Rudy Mark Taghap, 26, sa ibang unit para masiguro ang kanyang kaligtasan.
Si Taghap ay isa sa 50 pulis na naitalaga sa PPCPO mula sa headquarters ng Police Regional Oftice (PRO) Mimaropa. Itinalaga siya sa CMFC headquarters sa Purok Katiwasayan, Brgy. Luzviminda.
Ayon sa isang source ng Palawan News, ginising umano si Taghap ng isa sa mga suspek mula sa kanyang pagtulog at inutusan siyang pumunta sa lugar kung saan nag-iinuman ang tatlong pulis.
Dinala siya ng isa pang suspek sa madilim na bahagi ng kampo kung saan sinuntok siya sa sikmura, pinaluhod sa isang upuan, at pinalo ang talampakan gamit ang yantok na stick.
Hindi pa nakuntento ang mga suspek at muling sinuntok si Taghap sa sikmura habang siya ay pinagtatawanan siya, dagdag pa ng source.
“Pinaluhod siya sa upuan na nakalabas ang talampakan, tapos pinalo ng mahabang stick na yantok. Pero bago ‘yon, sinikmuraan siya ng ilang beses. Tapos inulit pa habang pinagtatawanan siya,” ayon sa source.
Ayon kay Rayoso, mahigpit na ipinagbabawal ng PNP ang ganitong pangyayari at gagawin nila ang lahat upang mapanagot administratively ang mga suspek kung sila talaga ay responsable sa ibinibintang.
Ngunit ang kasong kriminal, idinagdag niya, ay naisampa na.
“Itong insidente ay iniimbestigahan pa sa administrative side, pero ang criminal case ay naisampa na sa piskalya noong September 9. Tinitiyak namin na ang lahat ng sangkot ay mapanagot batay sa umiiral na batas,” pahayag ni Rayoso.
“Hindi normal para sa PNP ang ganitong pangyayari. Ito ay kinukonsidera namin na isolated na kaso lamang. Bibihira itong mangyari at matagal na mula nang magkaroon ng ganitong insidente sa amin,” dagdag pa niya.
Sa kasalukuyan, maayos na ang kalagayan ni Taghap, habang nananatili ang mga suspek sa CMFC headquarters habang patuloy ang imbestigasyon.
Ayon pa sa source ng Palawan News, narekober at kinumpirma ng biktima ang yantok stick na ginamit sa pambubugbog, na may habang mahigit 30 inches.
Umabot ng mahigit limang araw ang pagpapagaling ng biktima mula sa tinamong trauma at matinding panic dahil sa pambubugbog.
Patuloy namang itinatanggi ng mga suspek ang mga paratang laban sa kanila.
*** READ IN ENGLISH ***
Three police officers in PPC face ‘hazing’ complaint
Three personnel of the Philippine National Police (PNP) assigned to the City Mobile Force Company (CMFC) in Barangay Luzviminda, Puerto Princesa City, are facing charges for violating Republic Act 11053, or the Anti-Hazing Law, after allegedly assaulting a fellow police officer.
The incident was confirmed by the Puerto Princesa City Police Office (PPCPO), along with an explanation that they are currently conducting an investigation into the matter.
“Yes, kino-confirm namin na may alegasyon ng ganitong pangyayari noong August 30 ng madaling araw, kung saan parehong mga pulis ang involve,” said Police Captain Bryan Rayoso, spokesperson for PPCPO.
Rayoso explained that the three officers involved in the incident are now under restrictive custody at the CMFC while the investigation is ongoing.
The victim, Patrolman Rudy Mark Taghap, 26, was transferred to another unit to ensure his safety.
Taghap was among the new 50 officers assigned to the PPCPO from the headquarters of Police Regional Office (PRO) Mimaropa. He was stationed at the CMFC headquarters in Purok Katiwasayan, Brgy. Luzviminda.
According to a Palawan News source, Taghap was allegedly awakened by one of the suspects from his sleep and ordered to go to the area where the three officers were drinking.
One of the suspects took him to a dark part of the camp where he was punched in the stomach, made to kneel on a chair, and hit on the soles of his feet with a rattan stick.
The suspects, still not satisfied, allegedly punched Taghap in the stomach again while mocking and laughing at him, the source added.
“Pinaluhod siya sa upuan na nakalabas ang talampakan, tapos pinalo ng mahabang stick na yantok. Pero bago ‘yon, sinikmuraan siya ng ilang beses. Tapos inulit pa habang pinagtatawanan siya,” the source said.
Rayoso stated that the PNP strictly prohibits such acts and will ensure that, if proven responsible, the officers involved will be held administratively accountable.
However, he added that the criminal case has already been filed.
“Itong insidente ay iniimbestigahan pa sa administrative side, pero ang criminal case ay naisampa na sa piskalya noong September 9. Tinitiyak namin na ang lahat ng sangkot ay mapanagot batay sa umiiral na batas,” Rayoso said.
“Hindi normal para sa PNP ang ganitong pangyayari. Ito ay kinukonsidera namin na isolated na kaso lamang. Bibihira itong mangyari at matagal na mula nang magkaroon ng ganitong insidente sa amin,” he added.
Currently, Taghap is in stable condition, while the suspects remain at the CMFC headquarters as the investigation continues.
The rattan stick used in the assault, measuring over 30 inches, was recovered and identified by the victim.
The victim took more than five days to recover from the trauma and severe panic caused by the assault.
The suspects continue to deny the accusations against them.



