Ang mga mangingisdang inaresto ay makikita sa larawan na ito habang sakay ng bangka na Christ Elber noong Marso 16, 2021, sa Culion. | Photo by P/Lt. Jake Nolasco, Culion MPS

Tatlong residente ng Cebu ang inaresto ng mga environment authority dahil sa regulated na pangunguha ng abalone sa loob ng municipal waters na sakop ng Sityo Balimbing, Barangay Galoc sa Culion noong hapon ng Marso 16.

Ang mga suspek ay inaresto habang nakasakay sa bangka na Christ Elber. Sila ay ang boat captain na si Martino Dano at Jones Beltran na kapwa mula sa Taliman, at si Rex Varquez na residente ng Mactan Proper, Lapu-Lapu City.

Makikita sa larawan na ito ang abalone shells na nakuha sa mga mangingisda na hinuli sa Culion. | Photo by P/Lt. Jake Nolasco of Culion MPS

Ayon kay P/Lt. Jake Nolasco, hepe ng Culion Municipal Police Station (MPS), una na nilang inikutan ang lugar dahil sa mga impormasyong natatanggap hinggil sa pangunguha ng abalone shells ng walang kaukulang permiso.

“Nakakuha tayo ng nasa 200 kilos ng abalone. Bawal kasi mangolekta nyan kung wala kang permit, lalo na at hindi pa sila taga-dito sa Culion,” pahayag ni Nolasco.

Paglabag sa Section 5 ng Municipal Ordinance No. 2009-020 na may nakalaang multa na P105,000 ang dahilan ng pag-aresto sa kanila. Agad naman nila itong at napalaya sila noong Marso 18.

- Advertisement -
Previous articleEDITORIAL: Agreeing to disagree
Next articleMSWDO ng Sofronio Española, ipinagpapatuloy ang celebration ng Women’s Month
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.