Ang mga biktima ay kinilalang sina Deon Carlo Yurag, 21 taong gulang, at Lili Jane Arbis Ibañes, 47 taong gulang, at ang angkas nito na si Cheryl Castro Rubico, 35 taong gulang.

Tatlong motorista, kasama ang angkas ng isa, ang nagtamo ng pinsala sa katawan matapos na magbanggaan ang minamanehong motorsiklo sa national highway na sakop ng Barangay Sandoval sa bayan ng Narra, bandang 8:45 kagabi.

Ang mga biktima ay kinilalang sina Deon Carlo Yurag, 21 taong gulang, at Lili Jane Arbis Ibañes, 47 taong gulang, at ang angkas nito na si Cheryl Castro Rubico, 35 taong gulang.

Sa ulat ng Narra Municipal Police Station (MPS), parehong tinatahak ng dalawang nagmamaneho ng motor ang kahabaan ng national highway patungo sa direksyon ng sur nang maganap ang aksidente.

Nasa unahan ang Rusi scooter na minamaneho ni Ibañes angkas ang anak na si Cherryl Castro Rubico nang bigla itong lumiko pakaliwa na hindi gumagamit ng signal light kaya hindi ito napansin ni Yurag at naging dahilan ng pagbangga nito sa dalawa.

- Advertisement -

“Ang injuries nila mga minor lang pero dinala na natin sila agad sa hospital sa Narra,” pahayag ni P/Maj. Reginal Manalo, hepe ng Narra MPS.

Dagdag ni Manalo, tinitingnan nila ang posibleng pag-uusap ng dalawa upang magkaayos ngayong araw.

Sa ulat naman ng Palawan Provincial Police Office (PPPO) na ipinadala sa pamamagitan nang tagapagsalita nito na si P/Maj. Ric Ramos ay sinasabi na kapwa walang lisensya ang dalawang driver.

Previous articleKandidato para maging panglima ng katutubong Pala’wan pinagtataga sa Rizal
Next articlePensyon para sa mga senior citizens at PWD sa Quezon, ipinamahagi ng PSWDO
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.