27.2 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Tarriela kay Paolo Duterte: “Pro-China ka ba, sir?”

Tinanong ni Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson for the West Philippine Sea (WPS) Rear Adm. Jay Tarriela si Davao City Rep. Paolo Duterte kung pumanig na ba ito sa China matapos siyang batikusin ng kongresista kaugnay ng isyu sa West Philippine Sea.

Sa isang Facebook post, sinabi ni Tarriela na nakapagtatakang siya ang puntirya ng galit ni Duterte sa halip na ang China na umano’y patuloy na nanggigipit sa mga Pilipino sa WPS.

“Honorable Paolo Duterte, grabe naman ang haba ng post mo, at parang may personal kang galit sa akin. Bakit ako ang kinagagalitan mo, gayong China ang nangigipit sa mga Pilipino. Parang magkakampi pa kayo—pareho kayo ng linyahan. Pro-China ka ba, Sir?” ani Tarriela.

Ang pahayag ay tugon sa naunang Facebook post ni Duterte na kumuwestiyon kay Tarriela dahil umano sa pagdadala ng usapin sa media sa halip na idaan sa diplomasya.

- Advertisement -

Binigyang-diin ni Tarriela na nagpapatuloy ang diplomatic engagement ng Pilipinas at China at hindi ito nangangahulugang titigil ang pamahalaan sa pagbibigay ng impormasyon sa publiko tungkol sa mga pangyayari sa West Philippine Sea.

“Diplomacy daw? Sino ang nagsabi sa iyo na wala na tayong diplomatic engagement sa China? Ang mismong presence ng kanilang embahada at consulate offices dito ay patunay na tuloy-tuloy ang ating diplomatic relations,” aniya.

Iginiit din ni Tarriela na ang China, at hindi ang Pilipinas, ang nagbibigay ng sariling interpretasyon sa mga insidente sa WPS at sa 2016 Arbitral Award.

“Huwag kang malito: China ang may sariling interpretasyon ng mga insidente, ng UNCLOS, at ng 2016 Arbitral Award—hindi ako. Ang ginagawa ko lang ay ilahad sa publiko ang totoong nangyayari sa WPS,” dagdag niya.

Kinuwestiyon din ni Tarriela ang pananahimik umano ni Duterte sa mga aksiyon ng China laban sa mga sundalo, Coast Guard at mangingisdang Pilipino.

“Nagulat ako na concerned ka pala sa sakripisyo ng ating mga sundalo, Coast Guard, at mangingisdang Pilipino. Pero sa lahat ng pangigipit ng China sa kanila, ni isang statement ay wala kang inilabas,” ani Tarriela.

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
Jan Elmer Badilla
Jan Elmer Badillahttps://palawan-news.com/
is a Filipino journalist and desk editor at Palawan News, a leading news organization based in Puerto Princesa City, Palawan, Philippines. He covers a broad range of topics, including local governance, environment, disaster response, and indigenous affairs.
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img