Sep 25, 2020

Suspek sa pananaksak sa Roxas, kakasuhan ng frustrated homicide

Kakasuhan ng Palawan Provincial Police Office (PPO) ng frustrated homicide ang isang suspek sa pananaksak na naganap noong February 13 sa Barangay New Barbacan, Roxas.

Sa spot report na ipinadala ng tagapagsalita ng PPO na si Police Chief Inspector Ric Ramos sa Palawan News, kinilala ang suspek bilang si Berto Tunda Yayen, 51.

Ang naging biktima ng kanyang pananaksak ay kinilalang si Gilbert Padul Daganta, 37, na sinasabing kanyang pinsan.

Ayon sa spot report ng pulisya, nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang dalawa sa isang inuman at bigla na lamang ay sinaksak ni Yayen si Daganta sa tiyan nito.

Nakumpiska ng mga pulis ang kitchen knife na ginamit sa pananaksak at naaaresto din si Yayen.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry