Nov 29, 2020

Suspek sa pambubugbog, arestado dahil sa pagnanakaw

Inaresto ito ng mga pulis noong gabi ng November 13 matapos na ireklamo ng pambubugbog malapit sa isang unibersidad sa sentro ng lungsod.

Isang 23 anyos na lalaki na inaresto dahil sa pambubugbog noong Biyernes ng gabi sa Barangay Model ang hindi na pinakawalan ng pulis matapos malaman na mayroon itong warrant of arrest dahil sa kasong pagnanakaw.

Kinilala ito ni P/Lt. Douglas Sabando, acting chief ng City Police Station (CPS) 1, bilang si Glendon Ignacio Calvo, residente ng Barangay Pag-asa.

Inaresto ito ng mga pulis noong gabi ng November 13 matapos na ireklamo ng pambubugbog malapit sa isang unibersidad sa sentro ng lungsod. Iaatras sana ng binugbog ni Calvo ang kaso, ngunit nalaman ng mga pulis na ito ay wanted sa kasong pagnanakaw at may warrant of arrest.

“Dinala siya ng ating mga pulis dito sa station bandang alas 10 ng umaga. kasi naireport yan na nambugbog nga kagabi (November 13) sa Brgy. Model. Tapos hindi na natin pinakawalan kasi nalaman natin na mayroon siyang warrant of arrest dahil naman sa kasong theft,” pahayag ni Douglas sa Palawan News.

Trip lang umano ni Calvo ang pambubugbog, pero hindi inaasahan na maaaresto ito dahil sa pagnanakaw.

“May sinuntok po ako. Nanuntok po ako. Napagtripan ko lang kasi lasing ako. Tapos nahuli po ako ng tanod,” sabi ni Calvo.

“Palabas na sana ako, tapos may warrant. Nakaw yon ma’am. Matagal na yon, cellphone yon, sa baybay nangyari,” dagdag nito.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry