No Images found.

Suspek sa pamamaril sa Bataraza, nahuli na

Ang 42 anyos na suspek na si Roger Sorrosa Ariñez ay nadakip ng mga awtoridad sa kanyang bahay sa nasabing lugar, 10:30 ng gabi ng Enero 11.

Hawak na ng Bataraza Municipal Police Station (MPS) ang suspek sa pamamaril na naganap sa Sitio Narra-Narra sa Brgy. Tarusan.

Ang 42 anyos na suspek na si Roger Sorrosa Ariñez ay nadakip ng mga awtoridad sa kanyang bahay sa nasabing lugar, 10:30 ng gabi ng Enero 11.

Si Ariñez ang itinuturong nakagirian at bumaril sa kainuman at pinsang buo nito na si Rogelio Clarino Sorrosa Jr., noong araw ng Linggo.

Ang pagka-aresto sa suspek ay bunga ng isinagawang hot pursuit operation ng pulisya matapos itong tumakas bitbit ang baril na ginamit sa krimen.

“Naaresto namin siya sa bahay niya mismo. Pero in denial siya. Di niya inamin na siya ang bumaril sa kabila ng siya ang itinuturo ng mga kasamahan nila sa inuman,” pahayag ng hepe ng Bataraza MPS na si P/Cpt. Michael Von Agbisit.

“Hindi na rin nakita ang baril niya. Pero syempre, magpinsang buo sila ng biktima, at kilalang-kilala siya ng mga kainuman nila,” dagda pa ni Agbisit.

Na-inquest na ang suspek sa kasong frustrated murder at nakatakdang dalhin sa Palawan Provincial Jail sa mga susunod na araw.

 

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry