Hawak na ng Philippine National Police ang suspek sa pagpaslang sa isang ginang na natagpuang patay sa loob ng kanyang sari-sari store sa Barangay Paglaum, Taytay.
Ayon sa Palawan Police Provincial Office (PalPPO), boluntaryong sumuko sa Taytay Municipal Police Station si alyas “Ompong,” 35-anyos at isang magsasaka mula sa Poblacion, Taytay, bandang alas-10:30 ng umaga noong Mayo 12.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Taytay MPS ang suspek habang nagpapatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad.
Matatandaang bandang alas-3 ng hapon noong Mayo 7 nang matagpuan ang biktima na nakahandusay sa loob ng kanyang tindahan sa Barangay Paglaum.
Patuloy pang inaalam ng pulisya ang motibo sa krimen, ngunit batay sa paunang imbestigasyon ay nawawala umano ang mahigit ₱20,000 na kita ng tindahan gayundin ang mga susi ng bahay ng biktima.
READ IN ENGLISH
Suspect in Taytay woman’s killing surrenders to police
The Philippine National Police now has custody of the suspect in the killing of a woman who was found dead inside her sari-sari store in Barangay Paglaum, Taytay.
According to the Palawan Police Provincial Office (PalPPO), alias “Ompong,” a 35-year-old farmer from Poblacion, Taytay, voluntarily surrendered at the Taytay Municipal Police Station at around 10:30 a.m. on May 12.
The suspect is currently under the custody of Taytay MPS while authorities continue their investigation.
The victim was found lying inside her store in Barangay Paglaum at around 3 p.m. on May 7.
Police are still determining the motive behind the crime, but initial investigation showed that more than ₱20,000 in store earnings and the victim’s house keys were allegedly missing.



