March 02, 2021 |

Suspek sa kasong sexual assault at rape, arestado sa Busuanga at Linapacan

Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Arnel Cezar ng Regional Trial Court (RTC) Branch 163 sa Coron ay dinakip noong Enero 21 si Januel Villarosa Damas, 39, sa kasong sexual assault.

Isang lalaking kalalaya lang sa kasong acts of lasciviousness ang muling inaresto ng mga operatiba ng Busuanga Municipal Police Station (MPS) sa Barangay Buluang dahil sa isa pang parehong kaso.

Sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Arnel Cezar ng Regional Trial Court (RTC) Branch 163 sa Coron ay dinakip noong Enero 21 si Januel Villarosa Damas, 39, sa kasong sexual assault.

Ayon kay P/SSgt. Chito Gadiano ng Busuanga MPS, buwan ng Nobyembre unang naaresto si Damas sa kasong Act of Lasciviousnes na isinampa ng Linapacan MPS.

Nanatili ito sa pangangalaga ng Busuanga MPS sa loob ng dalawang buwan bago nakapaglagak ng P108,000 na piyansa noong araw ng Huwebes (Enero 21), ngunit muling inaresto sa bahay niya kinagabihan. Ito ay matapos maberipika mula sa Linapacan MPS na ito ay may isa pang nakabinbin na kaso.

“Naaresto na siya before at nakapag-bail siya. Na-release namin siya bandang alas tres pero nalaman namin sa Linapacan na may isang warrant pa siya na existing kaya sinundan namin sa Buluang para arestuhin ulit sa kaso niyang sexual assault,” pahayag ni Gadiano.

Sa impormasyon naman na nakuha ng Palawan News mula sa Linapacan MPS, mula buwan ng Setyembre hanggang Disyembre taong 2019 diumano nagawa ng suspek ang krimen sa Linapacan.

“Dalawang kaso ang na-file laban sa kanya, isang victim lang yun. Ang biktima ay 13 taong gulang na apo ng kanyang kinakasama,” pahayag ni Ma. Corazon Sarmiento, ang Women and Children’s Protection Desk chief ng Linapacan MPS.

Samantala, dinakip ng operatiba ng San Vicente MPS si Roman Ogatis Habulin, 17, sa Purok Bagong Silang, Brgy. Kemdeng sa bayan ng San Vicente, 10:15 ng gabi, Enero 21.

Si Habulin ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ni Judge Emmanuel Q. Artazo ng RTC Branch 14, Family Court ng Taytay, Palawan na may petsang December 14, 2020, para sa dalawang kaso ng panggagahasa.

Walang inilaang piyansa ang korte sa suspek na ang biktima ay isa ring menor de edad.

Tumanggi nang magbigay ng iba pang detalye si San Vicente MPS chief P/Lt Erickson R. Dimalaluan dahil parehong menor de edad ang suspek at ang biktima.

 

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry