Isang wanted na indibidwal na kinilalang si “Jay” ang inaresto ngayong araw, September 8, sa Barangay San Manuel, Puerto Princesa City.
Ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng isang warrant na inilabas ni Judge Ryan Hartzell Cariño Balisacan, presiding judge ng Branch 51, Fourth Judicial Region, Regional Trial Court, Puerto Princesa City.
Ang suspek ay wanted dahil sa kasong frustrated homicide sa ilalim ng Criminal Case No. 44091, matapos na hindi ito makadalo sa korte noong August 29, 2024.
Hinuli siya sa pamamagitan ng pinagsamang operasyon ng City Intelligence Unit (CIU) ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) sa pamumuno ni Police Lt. Col. Jefry Abonales.
Kasama sa operasyon ang mga tauhan mula sa Police Station 2, CIT Puerto Princesa, at PIT Palawan.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng CIU PPCPO ang suspek at ibabalik sa korte para sa nararapat na legal na proseso.



