Arestado ang No. 2 most wanted person sa Puerto Princesa City sa ikinasang operasyon ng Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) bandang 7 ng gabi noong September 8 sa Baltan Street, Barangay San Miguel.
Ang suspek ay isang 41 anyos na lalaki, may asawa at residente ng Barangay San Miguel, na nahaharap sa mga kasong paglabag sa Republic Act No. 9262, o Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004.
Pitong kasong kriminal ang nakapaloob sa warrant of arrest na inilabas ng korte laban sa suspek.
May kabuuang piyansang ₱338,000 para sa kaniyang pansamantalang paglaya.
Matapos ang pag-aresto, isinailalim ang suspek sa kaukulang dokumentasyon bilang bahagi ng proseso.
Nasa kustodiya na ng City Intelligence Unit ng PPCPO ang suspek at nakatakdang iharap sa nararapat na korte.



