Jul 8, 2020

Sumirit sa checkpoint, huli

Ayon sa police report ng Police Station 1 (PS1), hindi huminto ang minamanehong sasakyan na Toyota Corolla sa checkpoint sa Barangay San Miguel kung kaya’t hinabol ito ng mga awtoridad.

(Photo courtesy of Police Station 1)

Dalawang lalaki ang arestado matapos humarurot at lampasan ang checkpoint sa Barangay San Miguel, Miyerkules ng umaga, Marso 25.

Ang dalawa motorista ay kinilalang sina alyas “Marco”, 27, residente ng Barangay Liwanag at alyas “Ting”, 28, residente ng Barangay San Pedro.

Ayon sa police report ng Police Station 1 (PS1), hindi huminto ang minamanehong sasakyan na Toyota Corolla sa checkpoint sa Barangay San Miguel kung kaya’t hinabol ito ng mga awtoridad.

Habang binabagtas ang MP Road, napansing may itinapong aluminum foil sa daan, at nang mapahinto ang mga ito ay agad namang hinalughog ang loob ng sasakyan at nakita ang isang heat sealed transparent sachet na hinihinalang marijuana.

Sila ay kakasuhan ng violation of R.A. 11332 o Law on Reporting of Communicable Disease at R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Share your vote!


How do you feel about this post?
  • Happy
  • Sad
  • Angry