27.2 C
Puerto Princesa City
- Advertisement -spot_img

Breaking News:

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

Subsidiya sa bamboo industry sector sa Puerto Princesa, isinusulong

Isinusulong ngayon ng City Environment and Natural Resources Office (City ENRO) ng Puerto Princesa City  ang pagbibigay ng pamahalaan ng subsidiya sa mga nagtatanim ng kawayan.

Sa kaniyang naging talumpati sa naganap na  Bamboo Industry Roadmap kamakailan, na pinangunahan ng United States Agency for International Development (USAID), ay ipinanukala ni City-ENRO chief Atty. Carlo Gomez ang “institutionalized financing program” ng pamahalaan para masuportahan ang bamboo industry.

Ayon sa kanya, sa pamamagitan nito ay mahihikayat ang mga mamamayan na magtanim ng mga kawayan at  sumali sa bamboo production and marketing.

- Advertisement -

Giit niya, ang mga lokal na magsasaka ay mahihikayat na magtanim ng kawayan at magnegosyo ng mga  produkto ng kawayan o  bamboo products kung mayroong suporta galing sa pamahalaan.

Sinabi ni Atty. Gomez na ang mga lokal na pamahalaan ay makakatulong rin  ng malaki sa  bamboo industry sector  sa pamamagitan ng paghahanap ng mga negosyanteng bibili ng produkto at maaaring maging business partner.

Itinutulak niya rin ang pagkakaroon ng pagbabago sa proseso ng pagbibigay ng mga permit at iba pang dokumento sa pagluluwas ng mga kawayan at produkto nito dahil sa ngayon aniya, napakaraming dokumentong kailangan kunin mula sa ibat-ibang ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Palawan Council for Sustainable Development (PCSD), National Commission on Indigenous People (NCIP),  at sa mga LGU tulad ng munisipyo, lungsod at barangay.

“Ang bamboo ay itinuturing na ‘damo’, kaya huwag na nating pahirapan pa ang nasa bamboo industry”, saad pa ni Atty. Gomez.

Mataandaang ipinanukala rin ng City ENRO ang pagtatayo ng Bamboo Farm and Industry Project sa  20-hectare area ng  Environmental Estate sa Barangay Sta. Lucia, Puerto Princesa City. (MCE/PIA MIMAROPA)

- Advertisement -

Latest

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries...

13-oras na brownout sa ilang bahagi ng Puerto Princesa sa October 25

Mawawalan ng kuryente nang 13 oras ang ilang bahagi...
spot_img
- Advertisement -
- Advertisement -

Pag-IBIG launches first Barkada Franchise Financing project in Palawan

Pag-IBIG Fund has launched its first project in Palawan under its Barkada Franchise Financing (BFF) loan program, encouraging members to pool their loan proceeds...

Palawan board seeks trauma support for survivors of MV June Aster fire

The Palawan Provincial Board is urging Atienza Interisland Ferries Inc. to provide professional psychological support to survivors and families affected by the September 9...

Pag-IBIG members, puwedeng nang gamitin ang cash loan bilang pambayad sa hospital bills sa ACE Medical Center

Maaari nang gamitin ng mga miyembro ng Pag-IBIG Fund ang cash loan program ng ahensya para makatulong sa pagbabayad ng gastusing medikal sa ACE...
spot_imgspot_img