Hinikayat ni Social Security System (SSS) President at Chief Executive Officer Rolando Ledesma Macasaet ang mga barangay captain at kagawad mula sa humigit-kumulang 42,000 barangay sa buong bansa na maging miyembro nila upang makinabang sa panghabambuhay na pensyon.
Sa kanyang talumpati sa Liga ng Mga Barangay National Congress noong August 13 sa World Trade Center, Pasay City, binigyang-diin ni Macasaet ang kahalagahan ng pagiging miyembro ng SSS upang matiyak na may matatanggap na buwanang pensyon ang mga barangay official kapag sila ay nagretiro mula sa serbisyo publiko.
“Many of our barangay officials and workers serve their constituents for 10 or 20 years. However, when they retire from public service, they do not get any separation pay or monthly pension. Now, through the SSS membership, we are offering you an opportunity to get a monthly pension when you retire from being a barangay official,” ani Macasaet.
Pinayuhan ni Macasaet ang mga barangay official na kumuha ng kanilang SS number at simulan ang pagbabayad ng buwanang kontribusyon upang awtomatikong magkaroon ng social security coverage mula sa SSS.
Aniya, kinakailangang makapagbayad ng hindi bababa sa ₱120 buwanang kontribusyon upang makatanggap ng panghabambuhay na pensyon.
“Even if you pay your monthly SSS contributions intermittently, that is fine. If you continue to pay until you reach at least ₱120 monthly contributions you will have a pension for life,” paliwanag ni Macasaet.
Dagdag pa niya, ang SSS membership ay isang magandang investment para sa kanilang kinabukasan. Bukod sa retirement benefits, makakatanggap din sila ng sickness, maternity, disability, unemployment, funeral, at death benefits.
Ipinahayag din ni Macasaet na makikinabang ang mga barangay official sa iba’t ibang loan programs ng SSS, tulad ng salary at calamity loans, at makakatanggap din sila ng karagdagang proteksyon mula sa Employees’ Compensation (EC) Program para sa mga sakit o pinsalang kaugnay ng trabaho.
Samantala, sinusuportahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang panukalang Magna Carta para sa mga barangay official sa Kongreso, na magbibigay ng kapangyarihan sa mga local government unit (LGU) na maglaan ng pondo para sa SSS contributions ng mga barangay official.
Ipinangako ni Romualdez na susuportahan ang mga hakbangin sa lehislatura upang maging miyembro ng SSS ang mga barangay official nang walang karagdagang gastos sa kanila.
Pinapurihan naman ni Macasaet si Romualdez at Isabela 6th District Representative Faustino A. Dy V para sa pag-file ng panukalang batas na magpapahintulot sa LGUs na sagutin ang SSS contributions ng mga barangay official, at sinabing ito ay nagpapakita ng malasakit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa mga lider ng barangay.
Pinasalamatan din ni Macasaet si Liga ng mga Barangay National President Maria Katrina Jessica G. Dy sa pagbibigay ng pagkakataon sa SSS na maipaliwanag ang halaga ng social security coverage sa mga barangay official.
Sinabi naman ni SSS Executive Vice President for Branch Operations Sector Voltaire P. Agas na naglagay sila ng 50 laptops na pinangangasiwaan ng SSS personnel upang matulungan ang mga barangay official na makakuha ng kanilang SS numbers.
Dagdag pa ni Agas, dinala ng SSS ang kanilang Starlink at PLDT internet kits upang matiyak ang tuloy-tuloy na serbisyo sa mga dumalo sa nasabing kaganapan.
“We put up an SSS booth in the National Congress to assist barangay officials in their SSS transactions such as applying for SS and employer numbers or verifying their contribution or loan records,” ani Agas.
Nagsagawa rin ang mga barangay official ng online services tulad ng paggawa o pag-reset ng kanilang My.SSS account, pag-update ng member at contact details, pag-generate ng Payment Reference Number (PRN), pag-enroll sa Disbursement Account Enrollment Module (DAEM), at pag-file ng benefit claims at loan applications.



