SOFRONIO ESPAÑOLA, Palawan Zero COVID-19 cases na noong unang linggo ng Hunyo ang munisipyo ng Sofronio Española mula sa huling pagtaya ng Municipal Health Office (MHO).

Ayon kay Dr. Rhodora Tingson, municipal health officer ng bayan, nangangahulugan lamang ito na “low risk” na ang siyam na barangay nila sa nakakahawang sakit.

Sa kabila nito, nagpapatuloy din ngayong buwan ang kanilang mga isinasagawang pagbabakuna sa mga vaccination sites sa mga barangay, kabilang ang pagbibigay ng bakuna sa mga bata at sa mga senior citizens.

“Kahit zero, observe health protocols pa rin sa lahat ng oras, ingat sa social gatherings, at marami pang iba,” sabi ni Tingson, June 16.

- Advertisement -

Samantala, mayroon ng kabuuang 12,494 ang fully vaccinated sa Sofronio Española mula sa target na 70 percent ng 34,000 total population nito. Aabot naman sa 11,300 ang nabigyan na ng kanilang first dose habang mayroon namang 773 residente ang nabigyan na ng booster shots.

Paalala ng MHO na patuloy pa ring magsuot ng facemask sa mga matataong lugar katulad ng pagsasakay sa mga pampublikong sasakyan, palengke at sundin ang kampanya ng Department of Health (DOH) na mask, hugas at iwas.

Previous articleCelebrating UK-PH higher education partnerships
Next articleGreat Deals partners with Lazada to guarantee faster shipping time in Visayas and Mindanao
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.