Image courtesy of Cleoferd Absulio

Ā 

Mamimigay ng school supplies at face shields sa mahigit 500 na mga estudyante ang Sangguniang Kabataan (SK) sa Barangay Tinagong Dagat sa bayan ng Narra.

Ayon kay SK chairman Cleoferd Absulio, ang mga nakatanggap ay mula elementarya hanggang college students. Bahagi ito, aniya, ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan ngayong buwan ng Agosto.

Sabi ni Absulio, nais nilang iparamdam sa mga kabataan ng Tinagong Dagat na mahalaga ang kanilang pagdadamayan sa gitna ng pandemya ng COVID-19.

“Simula August 24 hanggang August 28 ang aming selebrasyon kaya nga lang dahil bawal ang mass gathering, nag-isip na lang kami ng mga magagandang gawin lalo na, na nasa gitna tayo ng pandemya. Naglabas kami ng pondo para sa mga ibibigay namin sa lahat ng estudyanteng kabataan dito lalo na sa August 24 magsisimula na ang distance learning,” sabi ni Absulio.

Ayon pa kay Absulio, naglaan din sila ng mahigit P100,000 para gamitin sa pagbili ng mga school materials. Magbibigay din sila ng face shields sa mga estudyanteng kabataan at mga vitamins na idadaan sa mga barangay health workers.

“By August 24 ay sisimulan ang lahat ng ito at aasahan na matatanggap ito ng mga kapwa kabataan ko dito sa Tinagong Dagat,” dagdag ni Absulio.

Bilang pagsuporta din ng SK sa mga guro, magkakaloob din sila ng dalawang wifi routers para sa Tinagong Dagat Elementary School na magagamit sa mga online distance transactions ng nasabing paaralan.

Pinuri naman ng DILG Narra ang simpleng inisyatibo ng SK Tinagong Dagat na handang sumuporta sa mga kabataan, lalo na sa pagsisimula ng klase sa August 24.

“Masaya tayo na sa kabila ng challenges na hatid ng COVID-19 pandemic ay implemented pa din ng Tinagong Dagat ang Linggo ng Kabataan in a creative way na compliant pa rin sa policies and protocols,” sabi ni Leny Escaro, ang Municipal Local Government Operations Officer (MLGOO) ng Narra.

 

About Post Author

Previous articleWHO cautions Russia on COVID-19 vaccine
Next article57 active COVID-19 cases in Palawan as of August 12, 2020
is the news correspondent for Sofronio EspaƱola and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.