Nagbahagi ng 81 Wifi routers ang SK ng Tinagong Dagat sa bayan ng Narra para sa mga college students. | Larawan mula kay Cleoferd Absulio

May kabuuang 81 units ng wifi router at headset ang ipinamahagi ng Sangguniang Kabataan ng Barangay Tinagong Dagat sa bayan ng Narra sa mga college students noong araw ng Martes, August 17.

Ang nasabing inisyatibo ay suporta ng SK Tinagong Dagat sa mga estudyanteng kolehiyo na lehitimong residente  ng barangay na papasok sa school year 2021-2022 upang makatulong sa distance learning scheme na ipinatutupad dahil sa COVID-19.

Nagbahagi ng 81 Wifi routers ang SK ng Tinagong Dagat sa bayan ng Narra para sa mga college students. | Larawan mula kay Cleoferd Absulio

- Advertisement -

Ayon kay Tinagong Dagat SK Chairman Cleoferd Absulio, naisip nilang maglaan ng pondo na nagkakahalaga ng P100,000 upang ibili ng mga wifi router at ipamahagi sa mga estudyante para sa kanilang online study.

“Bilang SK Chairperson ng Tinagong Dagat tungkulin ko na sila ay paglingkuran lalo na sa ganitong panahon at pagkakataon, kaya kami sa SK Council at sa pakikipagtulungan namin sa aming Barangay Council, naisip naming WiFi router ang naaayong ibigay sa kanila sa ganitong pag kakataon,” pahayag ni Absulio.

“Kaya nasa kanila na ang aming regalo wala nang rason ang mga estudyante na hindi sila makapag-sumbit ng kanilang online assessments, at sana gamitin nila sa tama,” dagdag niya.

kasabay ng aktibidad, nagsagawa din ang mga ito ng isang seminar para sa “Mental Health Awareness” na pinangunahan ng isang Registered Social Worker ng barangay upang maihanda ang kaisipan ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral ngayong may pandemya.

Previous articleDOT lauds private sector for El Nido tourism workers vaccine rollout
Next articleMan shot and killed by visitor at own son’s birthday celebration in Culion
is the news correspondent for Sofronio Española and Narra, Palawan. He also covers some agriculture stories. His interests are with food and technology.