Nagkabanggaan ang dalawang pick-up truck na pagmamay-ari ng dalawang telecommunications company sa Palawan sa Brgy. Tinitian sa bayan ng Roxas, bandang 4:30 kahapon, August 18.

Base sa isinagawang imbestigasyon ng Roxas PNP, pumutok ang unahang gulong ng Nissan Navarra na pagmamay-ari ng DITO Telecom na patungo sa norteng bahagi ng Palawan kaya nawalan ng kontrol ang driver nito at napunta sa kabilang linya ng kalsada kung saan naman paparating ang Isuzu D-max na pagmamay-ari ng Globe Telecom patungo sa direksyon ng Puerto Princesa.

Parehong nagtamo ng pinsala ang mga driver ng parehong sasakyan kaya dinala sila sa pagamutan.

Nakilala ang driver ng Isuzu D-max ng Globe Telecom na si Royette Nedosa Salva, 27 taong gulang, samantalang ang driver ng Nissan Navara ng DITO Telecom ay si Esteve Gutaya Barrios, 35 taong gulang.

Ligtas naman ang sakay ni Barrios na kinilalang si Hermie Lumague Bautista, 35 taong gulang, kapwa empleyado ng DITO Telecom sa bayan ng Roxas.

Kasalukuyang nasa Roxas MPS na ang mga sasakyan para sa imbestigasyon.


ADVERTISEMENT


TERIYAKI made from COCONUT FLOWER• If you’re looking for a healthier alternative without
compromising on the taste of your favourite recipes, we give you the choice to grab and try our
new organic teriyaki.
Not your ordinary TERIYAKI🧡
•NO MSG
•LESS SODIUM
•ORGANIC CERTIFIED
•SOY FREE
•GLUTEN FREE
& follows authentic japanese recipe
.
Now available in Lazada to order:
https://www.lazada.com.ph/shop/cocoes1620783691
kWfM&from=onesearch_brand_123773402

About Post Author

Previous articleDAR turns over P60M-worth bridge projects to Palawan
Next articleBTS’ J-Hope donates 100 million Korean won to flood victims
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.