Naghahanda na ang Palawan Police Provincial Office (PPO) ng assessment upang matukoy ang mga lugar na maaaring maging hotspot sa darating ng eleksyon sa Mayo 2022.

Ayon kay PPO Provincial Director P/Col. Adonis Guzman, bagama’t wala pang advise mula sa kanilang higher headquarters, bilang inisyatibo, ngayon pa lang ay pinag-aaralan na nila ang mga posibleng maging kaganapan, partikular na ang mga election-related incidents at mga lugar na maaring ituring na hotspots.

“Aalamin natin kung sino ang mga possibleng tatakbo this coming election, tapos ang mga most rivalries para doon tayo sakali mag concentrate, at habang papalapit ang election, at least may target na agad tayo para sa secrurity purposes natin,” pahayag ni Guzman.

“Expected na natin ‘yan. Crimes na election related, hindi naman mawawala yan,” dagdag niya.

- Advertisement -

Para mapaghandaan daw ang ganitong mga problema, ano pa mang krimen o insidente may kaugnayan sa election, kailangan umano ng mga pag-aaral sa mga naunang mga election at magkaroon ng comparison upang malaman kung saan kakailanganin ang security.

Sa ngayon ay hindi pa matukoy ng PPPO ang mga lugar o munisipyo na kailangang bantayan, pero paglilinaw ni Guzman na bago dumating ang election period ay matutukoy na nila ang mga lugar na kinakailangan tutukan.

Matatandaan na nitong nakalipas na Marso ay nagsagawa ng plebisito sa lalawigan kung saan, naging maayos naman ang seguridad maging ang pagpapatupad ng health protocols dahil sa pandemyang dala ng COVID-19.

Maliban sa seguridad ng mga mamayan sa mga posibleng maganap na krimen,  isa sa mahigpit na paiiralin ng pulisya ay ang pagpapatupad ng minimum health standards at protocols kaugnay ng pandemya.

Previous articlePanacan 2 in Narra set to become new barangay
Next articleAdventist Hospital Palawan wins regional DOLE award on labor-management cooperation
covers the police beat and other law enforcement agencies in the province. Her interest includes traveling and photography.